Wednesday, April 14, 2010

Pantasya

Namimiss ko ng tumipa.
Nakakapangulila ang pakikipagulayaw sa mga letra.
ang pakikipagniig sa tugma,
ang pagpapares pares ng mga salita...

Hinuhulma nga lang ba kita,
Pinipinta gamit ang sarili kong mata,
Imahinasyon ko lang ba ang pinapagana,
Kaya hindi kita talaga nakikita.

Lakad takbo papalayo,
lilingon at agad agad ding susuko.
Daig ko pa ang kabayo,
Hindi pa rin alam kung saan tutungo.

Nanaginip pag gising,
Gising ngunit nanaginip.
Malilingat at wala naman palang kasiping,
Pipikit at agad agad maiinip.

Nangingiti pag naiinis,
Naiinis pag nangingiti.
Para akong pudpod na lapis,
Sa kamay ng batang may sapi.

Pagwala ka'y may nakikita,
Pagandyan ka'y nabubulag ang mata.
Kelangan ba talaga kita?
May naitutulong ba ang salamin namumugtong mata?


Natapos ang tula ng biglang bigla,
Parang bolpen, naubusan na ng tinta.
Isasara na ang gripo,
at unti unti nang bumabaha dito.


-April 12 2009 12: 33pm

No comments:

Post a Comment