Wednesday, April 14, 2010

Nakakapagod Tumipa

Nakakapagod din palang tumipa.
Naghahanap ng iba't ibang kumbinasyon ng letra.
Baka sakali lang namang tumugma.
Baka sakali lang namang tumama.


Nakakapagod din palang tumipa.
Minsan din nakakasawa.
Hindi naman kasi lahat nasasabi ng salita.
Hindi naman kasi kayang ipinta ng letra ang ngiti sa kanyang mata.


Nakakapagod din palang tumipa.
kahit nga pag hawak ng bolpen, nakalimutan ko na.
Kahit ang utak ayaw na ring gumana.
tahimik din ang puso kong pinaghuhugutan ng melodiya.


Nakakapagod din palang tumipa.
At mas madali pala ang pagbura.
Pero di mo na mababawi ang nasabi mo na.
Kahit pagpalit palitin mo pa ang letra.


Nakakapagod din palang tumipa.
Kailan kaya ulit gagana.
Ang bilang at ganda ng tulang naisulat ko na.
Natatabunan ng ingay ng kalsada.

Nakakapagod din palang tumipa.
Sa tulad kong walang talento sa pagkanta.
tahimik ang awit sa pamamagitan ng salita.
Tahimik ding sinasaad ang bagay na napagdaanan na.

Nakakapagod tumipa.
Buti na lang di ko to binura.
kahit wala akong nasabing may kwenta.
Baka sa susunod meron na.

No comments:

Post a Comment