Sunday, April 25, 2010

Silhoutte

You're like a stain in my memory..
A rather unpleasant dream..
I can't believe this is happening.
I've finally waken up..

Back in the shadows..
That's where we belong..
There had never been happiness with you...
Only make believe scenes..

I used to feel your presence..
Even from miles away..
I used to feel you in my veins,
Every piece of me speaks out your name..

But now..
It was all blown away..
There's no one to blame..
We all know we'll come to this anyway..

You're just a face..
A shadow in my oh so dark past..
A silhouette in my mind..
A mirage in this ungrateful dessert..


-March 26

Wednesday, April 14, 2010

Ang gabi at ang katulad mo..

Sa pagtapak ng paa sa pamilyar na pinto,
Ang pintuang gabi gabing umaantabay sa aking pagbabalik,
At ang pintuang naghahatid sa akin ng tanaw papalayo,
kasabay ng pagsikat ng araw sa umaga..
Sumasalubong sa akin ang kakaibang katahimikan.
Katahimikang sayo ko lang natagpuan.
Pikit mata kong ibinababa lahat ng mga pasanin sa maghapon,
Hinuhubad ang maskarang buong araw na tumatabing sa tinatago kong mukha...
Walang magarang damit,
Walang bahid ng kolerete sa labi,
Sa aking kapayakan, yakapin mo ako..
Buong araw akong sumabay sa agos ng buhay,
Buong araw akong naghanap ng kaligayahan kung saan,
Ngunit sa pag-uwi ko sayo,
Sanay pagdamutan mo ng kaginhawaan...
Hilong talilong sa maghapon..
Kasabay ng nagmamadaling jeepney, o traysikel sa kahabaan ng kalsadang ito,
Ayoko ng huminto.
Ayokong bigyang puwang ang alaala mo na unti unting sumisilip sa tuliro kong utak.
Ayokong tumahimik.
Ayokong marinig ang puso kong mahinang tumatawag sa pangalan mo.
Ayokong mapag-isa.
Ayokong hanapin muli ang kamay mong dati nang pumapalibot sa balingkinitan kong katawan.
Ngunit pagkatapos ng araw.
Kahit ang mga deboto ng Quiapo,
Kahit ang mga manininda sa Baclaran,
Kahit ang tren sa Recto..
Tumatahimik rin..
At wala na naman akong nanaisin kundi bumalik sa pamilyar na pinto.
Sa pintong paulit ulit kong iniwan..
Sa pintuong walang sawang naghihintay.
Wala naman atang hihigit pa kaysa sa tahimik na gabi sa piling mo.
Wala naman atang hihigit pa,
Kahit gaano kaingay,
Kahit gaano karami ang kasama ko sa maghapon,
Kahit na anong gawin ko,
Mananatili ka.
Nag-iisang katahimikang pumupuno sa espasyo ng buhay ko...


-June 29 2009 1:19 pm

Pantasya

Namimiss ko ng tumipa.
Nakakapangulila ang pakikipagulayaw sa mga letra.
ang pakikipagniig sa tugma,
ang pagpapares pares ng mga salita...

Hinuhulma nga lang ba kita,
Pinipinta gamit ang sarili kong mata,
Imahinasyon ko lang ba ang pinapagana,
Kaya hindi kita talaga nakikita.

Lakad takbo papalayo,
lilingon at agad agad ding susuko.
Daig ko pa ang kabayo,
Hindi pa rin alam kung saan tutungo.

Nanaginip pag gising,
Gising ngunit nanaginip.
Malilingat at wala naman palang kasiping,
Pipikit at agad agad maiinip.

Nangingiti pag naiinis,
Naiinis pag nangingiti.
Para akong pudpod na lapis,
Sa kamay ng batang may sapi.

Pagwala ka'y may nakikita,
Pagandyan ka'y nabubulag ang mata.
Kelangan ba talaga kita?
May naitutulong ba ang salamin namumugtong mata?


Natapos ang tula ng biglang bigla,
Parang bolpen, naubusan na ng tinta.
Isasara na ang gripo,
at unti unti nang bumabaha dito.


-April 12 2009 12: 33pm

Crossroads

The roads might have been rough, but you stayed with me..
The street signs must have been confusing but you always find me.
The sun should have been burning but you keep me shaded.
The rain must have been drowning but keep me warm and protected.


I would really love to go and see what's behind that horizon,
I wouldn't even think twice, I have you as my reason.
I would love to walk on every street, on every road,
Knowing there is your hand to hold,



But there came the crossroads,
I saw my fear as it unfolds.
There, it's where the options were laid,
and decisions were made.



You've taken the first step.
I made the initiative to take the next.
Now, there's no way to stop.
I just can't believe this can be too complex.


"see you at the end of the road," you said.
I guess I'll be walking alone 'til then.
But there's nothing left unsaid.
I guess this is where the path really ends..


-September 4 2oo9 12:20pm

Lubog na mata mo, Gising ka pa rin???

Heto na naman..
Ang isang gabing dala ng saliwang body clock.
ilang oras ka bang late..
alas dos na oh..
di ba dapat inaantok ka na..
Nagiisip ka na naman ba?
Ay, oo nga pala, naglaro ka nga pala..
Ansaya noh, parang hindi ka nagsayang ng oras..
Pero malapit na,
ang kinatatakutan mong oras,
yung minuto bago ka tuluyang makatulog.
Unti unting papasok sa isip mo lahat ng alalahanin,
l
ahat ng emosyon,
na kinalimutan o pinilit mong sinantabi sa buong maghapon.
Magbabalik, sandaling daraan sa magulo mong utak,
saka ka lang makakatulog.
Paano nga ba magpahinga
kung hindi ka naman pagod.
Sabagay,
nakakapagod tumunganga,
nakakapagod maghintay,
nakakapagod umasa.
Sana nadaan din sa tulog ang ganung klaseng pagod.

Tingnan mo, ni hindi ka pala lumabas ng bahay buong maghapon,
kahit ata makatapak sa labas ng gate hindi mo ginawa.
Nakalimutan mo ba?
Gaano na ba kahaba yang ginagansilyo mo?
At least nga naman,
pag sinulid at hook ang harap mo,
nakakalimot ka na.
Parang droga,
o pag inom,
nakakaadik yan,
nakakaadik tumakas.
Pero hindi ka naman palaging ganyan,
kaya ayos lang di ba?
Oo naman!
Bukas makalawa magbabago din kapalaran mo..
Bukas, magiging tambay ka din..


Yehey! tambay! biruin mo yun!!



Anong oras mo na naman balak bumangon bukas?
Uubusin mo na naman sa paghihintay?
Nako ah..
Paano pag di na dumating yung hinihintay mo?
Nako ha..
Bilib na talaga ako sa yo...




Matulog ka na nga lang..



Teka, naligo ka na ba?

try mong maligo, para mapresko..
Bago naman ata ang punda at kobrekama..




Dali na..


Tulog na!


Tulog na.. Mamaya patulugin pa kita..






takte?! ipagtitimpla pa ba kita ng gatas?????



-April 15 2009 2:07pm

Three letters: Y-O-U

I've tried to find the letters,
and put it in tune.
I've tried to find the letters,
and send it to the moon,
I've tried to write the letters,
so you'll marry me in June.


But all I see is a "Y",
it's just a letter asking why,
so afraid to get up and try,
damn, the well's gettin' dry.
Am I just going to stare at the sky,
as the train bid his goodbye?


I've tried to mix the letters,
jumbled in my room..
I've tried to line the letters,
like in a queen's loom.
I've tried to put down the letters,
but i just end up in gloom.


And then i found a loop in an "O",
and he really set me in awe,
It made me sing my ode,
and unburden my load,
I'll reap what I would saw,
But liking you ain't above the law.


I've tried to cut the letters,
and tie it with balloons,
I've tried to trace the letters,
and mark it on a stone.
I've tried to touch the letters,
but it's already with angels flying home.


and then I saw soft curve in "U",
coloring my world with another hue,
if the heaven will send me a cue,
I'll give you all what you are due,
cause all I ask of HIM is Y-O-U,
I just hope... I can make you happy too...

Spot the Difference...

She lives by the day.
He walks by the night.
She'll say "I'm Sorry",
He'll curse his heart out.
She'd wake up in the morning,
He'll be on his bed till noon.
She'd rather read novels,
He'd play computer games till the first ray of dawn.
She's lost among the crowds,
He's in the middle, no doubt.
She'd dance when no one is looking,
He'll be in Embassy, just chilling.
She's tamed,
He's experienced.
She can write in English.
He can speak it well.
She plans about her future,
He'd rather play it cool.
She'd text,
He would call.
She thinks he's right,
He thinks she's wrong.
She'd talk it out,
He'll go out of sight.
She likes boys.
He wants girls.
She's skeptical
He's a risk taker.
She's willing to wait.
He got no time to waste.
She's writing this blog,
He's with friends, having a night out.


It's not always the same magnet that pulls the opposite poles.
It's not always the same thrill that can sway this little girl.
Sometimes, "maybe this time" is sang out of tune.
Sometimes, a beginning is ended too soon.
Maybe She's out of his league.
Maybe He's way too sweet.
If one day they'll meet and settle this differences,
Maybe, they've already found someone else.



-April 28 2009, 9:26 am

Kalimutan na ang sukat at tugma

Nagsimula sa tag-araw, bago ko pa mapansin, tag-ulan na pala.
Para akong tanga, ginagaya ang boses ng dj sa radyong pula.
Nakakatawa, pero minsan isang panahon, ginusto ko ring maging gaya nila.
Ngayon, hindi ko alam..
Wala pa rin akong plano..
Wala pa rin akong mabuo..


Bakante pa rin ang kwarto..
Akala ko nga may dumating na dito sa dormitoryo.
Pero nagreklamo, wala daw kasing banyo.
Bagong pintura naman ang mukha,
Nasa uso naman ang mga kurtina..
Pero wala..
Mas mahusay atang magbenta yung kabila..


Kulang ba talaga sa dilig?
Baka nasasakal lang sa apat na dingding.
Hindi pa rin alam kung saan ibabaon ang ugat.
Nakakatamad lang din kasi magunat unat..
Kulang lang sa pataba..
Konting pukpok lang, konting siksik, para tumaba..


Lumapat na naman ang labi sa tasa.
Nakakagulat ang init ng tsaa.
Muntik pang matapon,
Buti na lang nagawa kong umahon.
Wala lang yun, wag mo ng pansinin..
Gumawa lang ng ingay ang paglapat ng baso sa sahig.
Teka nga, magingat ka. Baka ka matinik...



Ninanamnam ko pa rin sa isip ang bawat melodiya ng narinig kong kanta,
iniisip pa rin kung para sa akin ba talaga ang bawat linya.
Nanunuot sa ilong ang nilalagang kamote ni Ina,
nakakagutom din pala, kelan kaya lalapat sa mesa...


Nanginginig na rin ang palad ng paa,
nakakatuyo ng utak ang lamig ng kaluluwa.
Hindi ko man lang mailapat sa sahig na marmol ang aking maliit na paa.
Uy! Magtsinelas ka kaya...
Hindi ganyang nakayukyok ka lang sa ibabaw ng kama..


Oo nga pala.
Nakalimutan kong ipaalala..
Wag mo ng subukang intindihin ang mga letra sa nakakalokong katha,
wala lang talaga akong magawa.
kalimutan muna natin ang sukat at tugma.
Wala naman akong balak tumula...

-May 7 2009 4:34am

Paano ko ba aamining nawawala ako...

Nakakita ako ng madaming daan,
Iba't iba ang tinatahak ng tao.
Pero naiiba ata ang pinili ko.
Paano ko ba sasabihing nawawala ako?


Ang dami nang nanyari sa buhay ko.
Ilang beses na ding nangako at nanloko,
Sabi nang diretso, pero lumiliko!
Paano ko ba sasabihing nakakalimot ako?


Hindi na ata ako halos humihinto,
Akala nila hindi ako marunong sumuko,
Pero sa napakagulong larong ito,
Paano ko ba ipapakitang napapagod din ako?


Nakapaskil na din kasi sa mukha ko,
Baka lang naman inaakala ninyo,
Na ang ngiting ito'y totoo,
Paano ba kayo maniniwalang nalulungkot ako?


Takbo lang nang takbo hanggang sa dulo.
Ibuhos mo lang ng todo todo,
Pero ang balon ding ito'y natutuyo,
Tulad nang sinabi Nya'y.. "Nauuhaw ako!"


Wag mo na akong paghanapan ng kung ano ano,
Malapit na nga atang maging siraulo,
Ginawa ko naman lahat para makuntento,
Ang sarap ipagsigawang, "Nawawalan din ako!!!


Hindi na ako iiyak, kung luha ko'y dugo.
Nakakasilaw ang liwanag sa malayong dako.
Kung lalapitan mo'y nakakapaso.
Sa liwanag at dilim, nasisilaw ako...


Kung may katotohanan man sa mundo,
Kung kaligayahan mang maituturing ito,
Nagmahal pa rin kahit nabalo,
Masasabi ko lang, Buhay pa rin ako..


-May 13 2009 1:41pm

On Contentment

She said.

“(I am) Contented. But I want more.”

What the…??

It’s really vague.

How com you want more when you’re contented.

Maybe it’s just a mental state.

Contentment.

Does that mean asking for nothing more?

Satisfaction.

Does that mean not aiming for something better.

I don’t want to say I am contented.

Nor that I want something else.

I have so many wants.

Definitely I am not yet satisfied.

I am young.

And its too early to say I am contented.

Yet, I live with the simplicity of my life.

And trying hard to lower my expectations.

And keep my self in touch with reality.

Maybe that’s contentment.

Or maybe not.

More. Better. Greater. Happier. Lighter. Bigger. More. Higher. Farther. Kinder. Prettier. Sexier. Smarter. Lovelier.

There is always something, somewhere, someone, better.

I am not entirely satisfied, nor contented. But what’s important is,

I AM HAPPY.

Kamusta Puso?

Kamusta puso?
Medyo tahimik ka ata?
Ahh.. Kala ko kasi ayaw mo na..
Akala ko kasi nanahimik ka na talaga..



Kamusta puso?
Naririndi ka na rin ba sa mga kanta?
Haha.. Buti pa sila masaya..
Pero ikaw din naman di ba?


Kamusta puso..
Naman.. nagkakalokohan na ba?
Haha.. Hintay lang, darating din sya..
Naiinip ka na rin ba?


Kamusta puso..
Binusog ka naman nila dati..
kala mo nga, totoo na, kahit anong mangyari..
pero ganun talaga.. walang naman makapagsasabi..


Kamusta puso...
Bilib rin talaga ako sayo..
Pano mo nagawang wag sumuko..
buong buo ka pa rin hanggang dulo..


Kamusta puso..
Wag ka na kasi malungkot..
Nandito naman ako..
:D


-February 17 2009 11:16am

Nakakapagod Tumipa (by Mark7th)

nakakapagod nga tumipa
kumikirot na nga ugat mo sa mata
wala paring natatapos na gawa
teka, pede ba kong sumali sa ginawa mong tula?

nakakapagod nga tumipa
dapat nasa tono at magkatugma ang linalathala
hindi naman pedeng itigil na dahil ang dami pang naglalarong ideya
minsan walang kasiguraduhan pero di naman sayang ang tinta

nakakapagod tumipa
nakakangalay tumulala
pero napakasaya pag natapos ang ginawang tula
napakasaya dahil nararamdaman ko ang aking binabasa ^^.


-December 30 2008 2:34am
(as a reply to my entry "nakakapagod tumipa")

Nakakapagod Tumipa

Nakakapagod din palang tumipa.
Naghahanap ng iba't ibang kumbinasyon ng letra.
Baka sakali lang namang tumugma.
Baka sakali lang namang tumama.


Nakakapagod din palang tumipa.
Minsan din nakakasawa.
Hindi naman kasi lahat nasasabi ng salita.
Hindi naman kasi kayang ipinta ng letra ang ngiti sa kanyang mata.


Nakakapagod din palang tumipa.
kahit nga pag hawak ng bolpen, nakalimutan ko na.
Kahit ang utak ayaw na ring gumana.
tahimik din ang puso kong pinaghuhugutan ng melodiya.


Nakakapagod din palang tumipa.
At mas madali pala ang pagbura.
Pero di mo na mababawi ang nasabi mo na.
Kahit pagpalit palitin mo pa ang letra.


Nakakapagod din palang tumipa.
Kailan kaya ulit gagana.
Ang bilang at ganda ng tulang naisulat ko na.
Natatabunan ng ingay ng kalsada.

Nakakapagod din palang tumipa.
Sa tulad kong walang talento sa pagkanta.
tahimik ang awit sa pamamagitan ng salita.
Tahimik ding sinasaad ang bagay na napagdaanan na.

Nakakapagod tumipa.
Buti na lang di ko to binura.
kahit wala akong nasabing may kwenta.
Baka sa susunod meron na.

The Premature Eagle

She flew.
Ever so mightily across the golden setting of the sun.
Taking delight in the sound of ocean wave as she knew her day would soon come to an end.
She went back to her nest and tend to her little chicks.
She knew time will come and her chicks will soon spread it's wings across the blue sky.
But she knew the sky won't always be blue.
A Storm may pass.
Hunters are just waiting for a catch.
Even bigger birds are just looking for a prey.
The world is cruel and she would just want to keep her chicks in their nest.

She looked at her chicks longingly.
Dreading that final day that her nest will be empty of her chicks.
Fearing a moment that they must break their tiny wings in their first attempt to fly.
She fed them.
Covered them against the pouring rain and the raging of the sun.
She loved them with everything to give.

And the thought of their flight filled her with so much pride.
"they will conquer the sky, they will go to places I've never been.." she said.
She regaled at their future.
She took pride at the beauty of their wings, as they cross the horizon.

She knew her chicks would turn into an eagle themselves.
And with this in her mind, fear and anxiety embraced her.


Where would they go?
Would they find their way back to this nest, where I tended them as a my little ones?
Would they remember me along their journey?
Would they tell their friends about how I fight the vulture to keep them safe?
Would they endure the difficulty of being an eagle?
Would they love me back?

And her fear led to anger.
She became possessive of her little chicks.
She cried anxiously to them, neglecting their needs.
She froze in her fear for their hurt.


But the chicks sang her a song.
Through their little chirping.
They flapped their wings..
Making a rhythm of protest.
They rebel at her possessiveness..
They scream at the thought of their mother's denial..


The Eagle went outraged..
She threw her chicks away..
Closing her eyes as her chicks flapped helplessly.. longingly..
She turned deaf at their cries..


One of the chicks bravely tried and kept himself alive..
Healed his own broken wings.
Panting, breathing, surviving..

He will live.
Outlive them all.
And soon will be known to be one of the bravest hunter among eagles.

'Cause the memory of his falling kept him awake at night.
And the thought of his mother's denial made him tough..


The eagle, once filled with love..
Paints the heavens red..


For the love,
and fear,
and anxiety..
and hatred
and dreams,
and failures,
Of falling,
and standing up again.
Of hurt and pride,
of revenge and anger.


Time let him grow..


to be another eagle.. waiting for the setting of the sun..

-october 25 2008, 4:30 am

What do you see, is it really me?


What do you see.
Can you feel the things within me.
I don't know what you believe.
But please let me live.
And let me earn a little respect.
for myself.
for the self you have created.
And if things don't work.
At least spare my world.


What you see. is it really me?...

Untitled (walang pamagat)

Tulad ng palagian ng nagaganap
Tunggalian ng puso ko't hinagap
Sa twina nama'y katawan ko ang tumatanggap
Ng pagmamahal na mapagpanggap.


Ilang araw ng binabayo ng ulan ang bubong ng bahay
Ilang damit na rin ang hindi maisampay
Sa malamig na gabi'y wala namang kaagapay
Kundi ang kumot kong nawalan na rin ng kulay.


Ilang mukha na rin naman ang nakita
Pilit ipininta gamit ang mata
Kulay at kinang mong pilit ginagaya
Nagpapamukhang wala namang kwenta ang kanta.

It's not about you, it's me...

It's not about your not being here,
It's about me, missing you.

It's not about your not having time for me.
It's about me, who asks more than you can give.

It's not about you being someone I can't forget,
It's about me, who always remembers.


It's not about your good qualities,
It's about me, seeing more than that.

It's not about what you can do for me,
it's about how happy I am every time you do it.

It's not just about your smile,
your kind words, your unfailing humor,
your way of touching my life,
your look, or the way you listen,

it's about me,
hoping you do those things only for me..



It's not you,
It's me who feels.

It's not you,
but it's me... alone...


-August 4 2008 11:58am

When the going gets tough, the tough gets going..

When the going gets tough..

I've been here so many times before.
The most tiring moment in my life.
A feeling I thought that would never end.
And the easiest option is to give up.

Expectations aren't always met.
Feeling a little less smart than needed.
Falling short out of everything.
Failing tests.
Not in school but in my life.


Overwhelmed.



The tough gets going..

I try and shake this thing off me.
Live, always believing.
See things in different perspective.
Pain. Failures. My Self.
My biggest Enemy.

but I will pull through.
With the other end of the tunnel in mind.
I will keep going.

For life is all about the journey.
A passage way.
And I have to keep going...






For the greater glory.
Of my creator.
Allow everything I do.
To be a proof of Your undying love for me.
For When I am weak. I am Strong...

Those Eyes

Don't look at me with those eyes,

it tells me more than what you say.

Don't lay your fingers on my body,

You would just wake up that longing inside me.





Speak your heart out,

Don't let me drown deep in your thoughts,

Don't come any nearer,

I would just feel better,

Then, I'll look for you when you're gone,

Only to realize you're not here any longer.

Those Eyes 2

Your eyes still glows with that same passion,

My heart still leaps for your attention.

Yours are still the ears that listen,

The joy brought to me by heaven.

But to hold on to this lies,

Would make me deaf from my own cries.

To cling on to this momentary happiness

Would make me lost in the middle of this darkness.



-May 3 2008 12:52 am

My Unwrittenlovesong

My life itself is an unwritten love song,

An attempt to sing the feelings so strong.
I've been trying to pull the notes together,
Been humming the melodies of every laughter,
But, alas!

I still can't find the words to make it last.

Letters ain't just enough,
to capture the joy you brought into my life,
the beauty of places I've seen through the moonlight,
of summer breeze and pink butterflies,
the sadness in your eyes when you sing lullabies,
and how lonely is the word goodbye.

My life is an unwritten love song,
still trying to sing its very soul.
Still dreaming to be sung out of a man's heart,
grant her wish and never fall apart.

when it's through,
I'll sing this song for all of you.
and it wont be very long,
before you say,


"my life is the sweetest unwritten love song"...


-May 19 2008 1:15pm

After all...

Just as everything had been said and done,

Here I am realizing you're still the one,

You still make me weak down to my knees,

The trembling inside inside with just a thought of your kiss.

You are still the sight I want to see

When there is no one else around but me.

The first thing in my mind I lift my eyelids

Your presence wash away my fears,

When you're gone it brought me nothing but tears.

For how long these feelings would last?

It makes it even harder to accept the past.



-May 3 2008 12:43 am

Ang Hiling, Ang Pagnanais. Ang Pagtangis.

Kung may isang makapipigil
sa pag-agos ng dagat patungo sa ilog
Tulad ng pag-agos ng buhay sa mundong ibabaw.
Gugustuhin nya kayang pigilin
ang pag-agos ng buhay
o kaya'y ang pagsikat ng araw sa silangan?


Kung ang bawat pagluha'y
may katapat na kaligayahan
at ang bawat ngiti'y naghahatid ng sakit sa ilan
Gugustuhin mu bang maging maligaya,
at ang iba'y maligalig sa pagkawala ng pananalig?
Sa bawat luhang pumapatak kasiyahan sa iba
Ngunit kailan ka ba magiging maligaya?



Sa pagpatak ng ulan sa lupang tigang
Naghahatid ng ligaya
sa mga pusong pinagkaitan.
Gaano nga kadalas ang ulan
sa mundong walang patutunguhan
mauutusan ba ang pagpatak
upang sa iba'y maghatid galak
o maghihintay na lang
hanggang sa mapahamak?



-April 30 2008, 1:09 am

Ang Himig

Sa katahimikan ng gabi
May narining akong isang huni
Lumingon ako't hinanap
Sa paligid o kaya'y sa nakaraan

Ang awit ng pagkakaibigan
Ay nabubuo sa gitna ng samahan
Sa bawat bayang dinaanan
Sa bawat ngiti at luhang pinagsaluhan.


Lilipas ang panahon
Ang awiti'y kukupas, Alaala'y lilipas
Ngunit ang awit ay mananatili
Hihintayin ang araw na sya'y muling aawtin.


April 30 2008, 12:58am

Kulay

Mula sa pagkakaibigan

tayo ay nawalay

may sariling kapalaran

tayong bibigyan ng kulay

Ngunit pag narinig mo ang awit

alaala'y manunumbalik

at ang pagkakaibiga'y mas magiging makulay

mas matamis, mas matatag

kaysa huling magdamag.


April 30 2008 12:52am

Sa Pagtakas

Nag-aalala para sa bukas

Mistula na ngang walang wakas

Dahan-dahan na akong nalalagas

Unti-unti na ring naagnas.




Tama bang mag-alala

o sa agod ng buhay ay magpadala

Tumingin na lang kaya sa mga tala

at hayaang tadhana ang mabahala.





Nagaalala para sa bukas

Kaluluwa ko'y unti-unting nabubutas

Tawagin na lang kaya ang mga pantas

Upang tulungan nila akong makatakas.

Dream Away

I like to walk hand in hand with you by the seashore,

sit down and watch the wave as they roar.

I want to lie down on your chest,

dream away and forget about the rest.

I want to feel the early evening wind blows,

as your eyes that stares, glisten and glows.

the sun hid itself at the horizon,

as our hearts share the same passion.

Let our witness be the witness in the sky,

as I let out a cry or heave my deepest sigh.

Let all the wonders in heaven speak out your name,

grant my wish, and I'll never be the same...


-April 30 2008 12:30am