Sunday, July 24, 2011

Maiintindihan mo ba?

Maiintindihan mo ba?

O baka naman...

Hindi naman sa..

Pero..

aaaahh!

Hindi nga?!..

Maiintindihan mo ba?

Kasi, wala naman akong ibang hihingin.

Hindi naman ako magpapalipad hangin.

Hindi naman siguro ako mahirap intindihin.

At hindi rin naman kita sisisihin.

Kasi, iniisip ko kung alam mo na.

Minsan ba nakikita din yun sa mata?

O sa galaw ko kaya?

Ang hirap kayang wag ipahalata!

haha. sabihin ko na kaya?

para mas masaya.

Pero teka, maiintindihan mo nga ba?

Kung sasabihin kong masaya kang kasama.

Kung sasabihin kong...

teka, higit pa yun dun!!..

sandali, ano bang mas tama..

mahirap lang talagang humanap ng salita.

Na pwedeng tumugma.

Hindi naman to sobra.

Wala naman akong balak magmaneobra.

Sakto lang.

Saktong masaya lang.

Saktong andyan ka lang.

Teka, pwede bang wala munang assuming?

wag kang mag-alala, hindi naman ako demanding.

wala naman akong ibang hiling,

kundi ika'y maging...

*yikkeeeeeee.. :))

Haha! Naiintindihan mo pa ba?

Pero feeling ko naman matalino ka.

At may mga bagay talagang hindi ko kayang ilagay sa letra.

Pero subukan ko munang simplehan pa.

Masaya lang talaga ako pag andyan ka. :)



April 2011


No comments:

Post a Comment